There's Blood in Your Coffee

Saturday, January 14, 2012

Nestle Workers Marked 10 Years of Struggle for Justice!

ICON of CORPORATE GREED
and TERROR!
(86 Principles of International Labour Law Violated)

Habang bumubulwak pa ang bilyun-bilyong pisong ginagastos sa magagarbong advertisements sa multi-media bilang pagdiriwang ng dambuhalang kapitalistang Nestlé sa kanilang ika-100 taon ng pananalasa sa Pilipinas (Nestlé Philippines 100 Years).Bukod pa ang normal na pagbuhos ng bilyong piso para sa advertisements para tabunan ang mga karumal-dumal nilang kasalanan sa mamamayan, piringan at gawing pipi ang media.(Nestlé Phils. Inc.’s top-grossing placement paying a cumulative P1.67 billion for just 4,319 minutes or 71.98 hours of commercials. More than 50% of ad placements for the first three months of 2011 were cornered by two leading TV networks. By research firm Nielsen Co. Published in Malaya Business Insights Apr.13,2011)
Sa Kabila nito ay isang dekada namang lugmok sa matinding kalbaryo at binabalot ng karahasan ang patuloy na nararanasan ng kanyang mga manggagawa.

Enero 14, 2002 nang magwelga upang ipagtanggol ng mga manggagawa ng Nestlé Cabuyao Factory ang kanilang kabuhayan at kinabukasan. Isang dekada nang napakailap ng katarungan sa kabila ng pagiging lehitimo, makatwiran at may moral na batayan ang ipinagtatanggol ng mga manggagawa, “Igalang at ipatupad ng dambuhalang kapitalistang Nestlé ang Supreme Court decision noong 1991”. Pinal na desisyon ito ng Korte Suprema sa panahon ni Chief Justice Andres Narvasa noong 1991 na resulta ng tagumpay ng lahat ng mga manggagawa sa Nestlé Phils. sa ilalim ng UFE-DFA-KMU sa dibisyon ng Alabang Factory, Cabuyao Factory, Cagayan de Oro Factory at Makati Admin Office.
Malaking tagumpay ito hindi lamang para sa mga manggagawa ng Nestlé Phils., kundi para sa buong uring manggagawa, pagkilala na karapatan ng uring manggagawa ang “Retirement Benefits” ay lehitimong usapin sa loob ng Collective Bargaining Agreement (CBA). Malinaw na ang tagumpay na ito ay resulta ng mahigpit na pagkakaisa at pagkilos ng mga manggagawa ng Nestlé laban sa marahas at mapagsamantalang Nestlé. Nagresulta ito ng illegal na pagtanggal sa 103 lider manggagawa mula sa dibisyon ng Alabang, Cabuyao, Cagayan de Oro at Makati at pagpaslang ng Nestlé sa pangulo ng unyon ng Cabuyao na si Ka Meliton Roxas noong Enero 20, 1989 sa harap ng Nestlé Cabuyao Factory Gate habang may mapayapang pagkilos noon ang mga manggagawa.( for the short history of Nestle Workers' struggle in the Phils. pls click UFE-DFA-KMU)
Hindi mapasusubaliang numero uno o “ICON” sa pagiging ganid, marahas at mapagsamantala ang dambuhalang monopolyo kapitalistang Nestlé na nangungunang kumpanya ng pagkain sa daigdig. Sa kabila ng matinding “Financial Meltdown o Global Financial Crisis” ay namintine ng Nestlé ang dambuhalang tubo nito, at noong 2010 ay may CHF 34.2 billion net profit (swissfrancs), na may 7.4% na pagtaas na kita sa bawat share, may CHF 15.5 billion cash return sa shareholders sa pamamagitan ng CHF 5.4 billion dividend at CHF 10.1 billion share buy-back, at may CHF 36.1 return on invested capital (source: Nestlé Annual Report 2010 ). Ang mga figures na ito ay malinaw na paraiso para sa kapital subalit impyerno sa hanay ng manggagawa.
Sa Pilipinas,pagpasok pa lamang ng taong 2000 ay mas tumindi ang samu’t-saring kalbaryo ang naranasan ng mga manggagawa. Todo-todo na ang pagpapatupad ng Nestlé ng “Out-sourcing” sa pamamagitan ng “Toll-manufacturing at Co-packing schemes na nag-aalis sa kaseguruhan sa regular na hanap-buhay. Di naglaon ay nagpatupad ng “Redundancy at Retrenchment program sa lahat ng kanyang mga pagawaan dito sa Pilipinas. Taong 2001, biglang isinara ang pinakamatandang pagawaan sa Alabang,.kasunod ay Pulilan noong 2002 kapalit ng out-sourcing at pagtanggal ng libong regular na manggagawa. Lantaran at aroganteng ipinatupad ang mga kontra-manggagawang patakaran tulad ng pagbawi sa mga pang-ekonomiya at pampulitikang pinagtagumpayan na ng mga manggagawa sa panahon ng CBA at mga sama-samang pagkilos. Ang pinakatampok dito ay ang pagbawi at di-pagkilala sa “Retirement Benefits” kahit pa ito ay nadesisyunan na ng Korte Suprema.
Walang hanggang kapangyarihan, ito ang katangian ng dambuhalang Nestlé sa sistema ng lipunang ang may kontrol ay kapital. Ginamit ang Assumption of Jurisdiction (AJ) sa pamamagitan ni Patricia Sto.Tomas dating sec. ng DoLE para bigyang katwiran ang pagmasaker sa buhay at kinabukasan ng mga manggagawa. Ginagamit ang PNP at military bilang goons at private armies para maghasik ng terror sa hanay ng mga manggagawang nagtatanggol para sa ating soberanya at kinabukasan.
Setyembre 22, 2005 nang muling umalingaw-ngaw ang dalawang punglo mula sa kalibre 45 ng goons ng Nestlé at kumitil sa buhay ng sumunod na pangulo ng unyon sa Nestlé Cabuyao. Isang araw matapos ang deklarasyon ni Gloria Macapagal Arroyo ng Calibrated Preemptive Response(CPR) ay nilagutan ng hininga ng 2 punglo ng kalibre.45 si Diosdado “Ka Fort” Fortuna. Lumikha ang Nestlé ng terror sa manggagawa at magsilbing babala sa patuloy na paninindigan para sa pagtatanggol sa kabuhayan at kinabukasan. Sa sampung taong pagtatanggol ng mga manggagawa ng Nestlé para sa katarungan,nagresulta na rin ito ng pagkamatay ng 49 na manggagawa dulot ng pagkakasakit at matinding kahirapan. Maraming nailitan ng tahanan at kalakhan ng mga anak ng manggagawa ay naobligang tumigil sa pag-aaral.
Marso 2008, muling naglabas ng pinal na desisyon ang Korte Suprema at muling pinagtitibay ang dati na nitong desisyon para sa manggagawa. Nanatiling bahagi ng CBA ang Retirement Benefits subalit hindi kayang papanagutin ng Korte Suprema at ideklarang “guilty” sa “Unfair Labor Practices”(ULP) ang dambuhalang kapitalistang Nestlé. Malinaw na nananalaytay din sa bawat himaymay ng bawat kalamnan ng mga mahistrado at tagos hanggang buto ang impluwensya ng kapital upang pagsilbihan ang interes nito.
Dalawang pinal na desisyon na ng Korte Suprema, halos 4 na taon na rin ang lumipas matapos ang 2008 pinal na desisyon ng Korte Suprema, halos dalawang taon na ring pinaasa ng bagong halal na si Pnoy ang sambayanan at mga manggagawa. Gamit ang kanyang mga pangakong “pagbabago, matuwid na daan at ang administrasyong hindi manhid sa daing ng taumbayan”. Maliwanag sa karanasan ng manggagawa na wala kailanmang magiging pagbabago, walang matuwid na daan para sa manggagawa at mamamayan hangga’t ang sistemang umiiral ay para sa interes ng mapagsamanatalang uri at kapital. Mananatiling bulaklak na lamang ng pananalita ng walang pinag iba kay Gloria na si Pnoy ang mga pangakong inaasahan ng mamamayan. Hangga’t ang lahat ng institusyon ng pamahalaan ay nasa kontrol at kumpas ng kapital at ng iilan,walang katarungan at tunay na demokrasya.
Kung kaya,ang paninindigan at pagtatanggol ng mga manggagawa ng Nestlé sa kabila ng lahatang atake ng estado at kapital na masahol pa sa pananalasa ng mga kalamidad ay magpapatuloy bilang ambag sa pagtatanggol para sa uri at sambayanan.

PAGPUPUGAY SA IKA-23 TAONG KADAKILAAN NI KA MEL ROXAS!
KUNG MAY TUWID NA DAAN! MANGGAGAWA NG NESTLE
MAY MAHUSAY NA KINABUKASAN AT KATARUNGAN!
KATARUNGAN KAY KA FORT, KA MEL AT SA MANGGAGAWA NG NESTLE!
SUPORTAHAN ANG LABAN NG MGA MANGGAGAWA NG NESTLE! BOYCOTT ALL NESTLE PRODUCTS!
ISULONG ANG PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON
AT TUNAY NA REPORMANG AGRARYO!
MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!
MABUHAY ANG SAMBAYANAN!

pls click for viewing and downloading file

Labels: