100 Years of Nestle's Terrorism Against the Working Class
PAMANTIK Statement on Nestle's 100 years in the Philippines here
Good Food? with SALMONELA plus MELAMINE!
Good Life? TERRORISM EXPERT! KILLS WORKERS!
Hindi na nakapagtatakang kamakailan lang ay muling bumulaga at umalingawngaw sa iba’t-ibang larangan ng media sa local at int’l. na positibo sa salmonela ang produktong gawa ng Nestlé dito sa Pilipinas na “Maggi noodles”. Hindi nakapagtataka, dahil sa pagiging gahaman ng Nestlé sa dambuhalang tubo ay binawasan at pinaigsi nito ang proseso ng paggawa ng kanilang mga produkto. Inalis na nito ang incubation period bago i-release sa market at tiyaking maayos ang quality ng produkto. Sa madaling salita, para mas lumobo pa ang tubo ay nagbawas ng lakas paggawa partikular ng mga QA personnel. Ang magsusuri na lang para malaman kung may problema sa kalidad ang kanilang mga produkto ay ang sikmura at tyan ng consumers. Dahil sa lawak at dami ng inabot na pinsala sa consumers ng produktong positibo sa salmonela ay di na nila kayang pagtakpan pa at itago sa publiko ang pagiging iresponsable ng Nestlé. Kaya, napilitan silang magdeklara ng diumano’y “voluntary recall” ng kanilang produkto gamit ang kanilang pagkontrol sa malalaking media network para palabasing bida pa sila at may malasakit sa consumers. (Nestle Philippines Inc.’s top-grossing placements paying a cumulative P1.67 billion for just 4,319 minutes or 71.98hours of commercials. More than 50 percent of ad placements for the first three months of this year were cornered by 2 leading TV Networks. On the average, ad placements between 2 networks run at P700,000 per 30-second spot, by research firm Nielsen Co. published in Malaya Business Insight Apr. 13,2011)
Marami nang pagkakataon na may problema sa kalidad ang kanilang mga produkto tulad ng gatas na Nestogen. Nakamatay sa 2 buwang sanggol sa Makati City at sa iba pang lugar. Mayroon ding Nestlé Chuckie na nagresulta ng 4 days medical confinement ng consumer dahil nagsuka at nag LBM. May pagkakataon din, noong Nobyembre 2008, ginamit ng Nestlé ang media na diumano’y napakaraming pekeng produkto nila ang nasa market, partikular sa NCR, na malaking posibilidad na makasama sa consumers.Dahilan para samsamin muli nila at susunugin daw para maitago sa mamamayan ang tunay na dahilan na may problema sa kalidad ang milo,nescafe,nido,bearbrand atbpa. Lahat ng ito ay naikubli nila sa mamamayan at patuloy pa rin nilang naikukubli ang panloloko at pagsasamantala sa mamamayan.
Sa kasalukuyan, ang culinary products nila tulad ng maggi noodles, seasoning, boullion at ibapa ay ginagawa 100% sa ilalim ng toll-manufacturing o sa ilalim ng iskemang kontraktwalisasyon. Tulad din ng milo, nido, bearbrand, nestea, nescafe kalakhan ay nirere-pack sa labas ng main factory sa ilalim ng toll-packing o isa ring mukha ng contractualization scheme. Di na rin nakapagtataka na lahat ng nilikhang produkto sa labas ng main factory na mula sa iba’t-ibang iskema ng kontraktwalisasyon ay may address at nilikha din sa Nestlé Phils.Cabuyao Plant na malinaw na panloloko sa mamamayan. Kalakhan o mas marami ang bilang ng maliliit na pagawaan ang minamaniobra ng Nestlé para lumikha ng kanilang produkto sa ilalim ng out-sourcing. Nangangahulugan ito na mayoryang manggagawa ay kontraktwal, walang kaseguruhan sa trabaho, di-sapat na sahod, bagong tipo ng alipin, di rin itinuturing na tao at malinaw na pambansang patakaran ng estado.
Wala din s’yang iginagalang na batas at lantaran nitong nilalapastangan. Matatandaang may 3 nang pinal na desisyon ng Korte Suprema ng Pilipinas na nagsasabing wasto, makatarungan at lehitimo ang ipinaglalaban ng mga naka-welgang manggagawa ng Nestlé sa Cabuyao,Laguna. Subalit tahasan itong di ipinatutupad ng Nestlé. Nag resulta na ito ng pagkamatay ng 48 manggagawa, ipinapatay ang 2 magkasunod na pangulo ng unyon sa pagtatanggol para sa katarungan at batayang karapatan ng uring manggagawa. Mahigit 250 manggagawa ang kinasuhan ng mga gawa-gawang kasong kriminal sa pakikipagsabwatan ng DoLE, pulis at militar sa Nestlé. Eksperto sa pagsasamantala, terorismo at panloloko ang Nestlé gamit ang mga institusyon at gobyernong kontrolado ng kapital.
PAGLULUKSA SA SENTENARYONG PAGSASAMANTALA AT TERORISMO NG NESTLÉ SA MANGGAGAWA AT SAMBAYANANG PILIPINO !• ISULONG ANG KASEGURUHAN SA TRABAHO ! LABANAN ANG KONTRAKTWALISASYON !
• IPAGLABAN ANG MAKABULUHANG DAGDAG SAHOD!
P125 ACROSS THE BOARD NATIONWIDE !
• SUPORTAHAN ANG KATARUNGANG IPINAGLALABAN NG MGA MANGGAGAWA NG NESTLÉ!
• BOYCOTT ALL NESTLÉ PRODUCTS!
• ISULONG ANG PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON AT TUNAY NA REPORMANG AGRARYO !
MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA AT SAMBAYANAN !
to view or download Pugad Lakas
Labels: 100 Years of Nestle's Terror
2 Comments:
At 7:03 PM, Kopi Luwak Suryana said…
nice blogs please visit and follow suryana coffee drinkers groups
At 6:45 AM, rahul choudhary said…
Best Ice Makers for Ice Lovers
Best Commercial Ice Makers for business
Portable countertop ice makers
Slush maker machine for home
Best Undercounter Ice Makers for Home
Post a Comment
<< Home