There's Blood in Your Coffee

Tuesday, September 12, 2006

The continuing struggle of the Nestlé workers



MEDIA ADVISORY
12 September 2006

The continuing struggle of the Nestlé workers

In lieu of the recent Supreme Court decision on the Nestlé labor case and the forthcoming one year death anniversary since Diosdado Fortuna, the Nestlé union president who was assassinated on September 22, 2006, the striking workers continue to cry for justice.

Witness the Nestlé workers and their families mourn for justice.

Program of Activities on September 13, 2006

Supreme Court
Padre Faura, Manila
10:30 AM

Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
1:00 PM

Nestlé Main Office
Rockwell Center, Makati City
3:00 PM
MEDIA COVERAGE REQUESTED
with PHOTO OPPORTUNITIES

Reference: Luz Baculo, PAMANTIK Secretary-General, Mobile No. 09208314993

IPATUPAD ANG DESISYON NG KORTE SUPREMA SA NESTLE!

IPATUPAD ANG DESISYON NG KORTE SUPREMA SA NESTLE!
KATARUNGAN PARA SA LAHAT NG BIKTIMA NG BERDUGONG NESTLE!

KATARUNGAN KAY PANGULONG KA FORT AT
SA LAHAT NG BIKTIMA NG PAMPULITIKANG PAMAMASLANG!

Agosto 22, 2006 – inilabas ng Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas (Korte Suprema) ang kanyang pinakahuling desisyon sa isyu ng manggagawa sa Nestle.

Sa pinakahuling desisyon, pinatunayang muli ng Kataas-taasang Hukuman ang pagiging MAKATWIRAN AT MAKATARUNGAN NG ISYUNG IPINAGLALABAN NG MANGGAGAWA NG NESTLE NG LAMNIN NG DESISYON NITO ang KAUTUSANG BUMALIK SA NEGOSASYON ANG UNYONG UFE-DFA-KMU at NESTLE PHILS. AT I-APIRMANG MULI NA ANG RETIREMENT PLAN AY ISANG USAPIN SA LOOB NG CBA NA DAPAT PAG-USAPAN.
The Supreme Court of the Philippines in their Notice of Judgement:
“The ruling of the Court of Appeals on the inclusion of the Retirement Plan as a valid issue in the collective bargaining negotiations between UFE-DFA-KMU and Nestle is AFFIRMED. The parties are directed to resume negotiations respecting the Retirement Plan and to take action consistent with the discussions hereinabove set forth. (the Supreme Court 1st Division G.R.Nos.158930-31/ G.R.Nos.158944-45 UFE-DFA-KMU VS. Nestle Phils.,Inc. August 22, 2006)

Kung babalikan ang ipinagwelga ng manggagawa….

Enero 14, 2002 - nagwelga ang manggagawa ng Nestle dahil ayaw makipag-usap ng management sa CBA, ginawang kundisyon sa negosasyon na bago makipag-usap sa unyon ay dapat munang isantabi ang probisyon ng Retirement Plan sa mga proposal ng manggagawa kahit pa nga may umiiral na desisyon ang Korte Suprema sa usaping ito. Tahasang binaboy ng Nestle Phils. ang kautusan ng Korte Suprema noong 1991.. The Supreme Court in G.R.No.90231, February 4,1991, entitled Nestle Phils.,Inc. VS. NLRC ruled,
“The Court agrees with the NLRC’s findings that the Retirement Plan was a collective bargaining issue right from the start (p.109,Rollo) for the improvement of the existing Retirement Plan was one of the original CBA proposals submitted by UFE on May 8, 1987 to Arthur Gilmore, president of Nestle Philippines…”

Sa isang banda, INUTIL ANG KORTE SUPREMA SA PAGBIBIGAY NG HUSTISYA SA MANGGAGAWA at nalantad ang tunay na katangian na sa kaibuturan ay maka-kapitalista at instrumento ng kapitalista sa panunupil sa manggagawa ng hindi niya ideklarang guilty sa Unfair Labor Practices(ULP) ang kompanya gayong malinaw sa kanyang desisyon ang kawastuhan ng isyung ipinaglalaban ng manggagawa na siya rin mismong binaboy at hindi kinilala ng kompanya kung kayat tumungo sa welga ang manggagawa noong 2002.

Hindi birong paninindigan at sakripisyo ang ginawa ng manggagawa para ipagtanggol ang desisyon ng Korte Suprema na binaboy ng Nestle Phils. Umabot sa 14 buhay ng manggagawa ang nawala at inutang ng Kapitalistang Nestle sa kasagsagan ng pakikibaka, kabilang ang pagbubuwis ng buhay dahil sa brutal na pagpaslang kay Pangulong Diosdado “Ka Fort” Fortuna na binaril ng dalawang salarin noong Sept. 22, 2005 habang papauwi ng bahay galing sa piketlayn. Si pangulong Fort ang nanguna sa welga ng manggagawa na nagtatanggol at naggigiit sa Retirement plan na dapat kilalanin at sundin ng Nestle Phils bilang desisyon ng Korte Suprema. Ibilang pa ang pinatay na pangulo ng unyon noong 1989 na si ka Mel Roxas na lantarang binaril ng dalawang salarin sa harapan mismo ng gate#1 ng planta ng Nestle Phils sa Cabuyao, Laguna at matapos masigurong patay ay nagtatakbo papasok ng planta hangang sa mawala na ang salarin. Si kas Mel ang nanguna sa paglulunsad ng welga noong 1987 at pangunahing tagapagtaguyod ng retirement Plan ng manggagawa ng Nestle bago pa magkaroon ng unang desisyon ang Korte Suprema noong 1991.
Isang bwitring uhaw sa dugo ang kompanyang Nestle na walang kinikilalang batas sa bansa at lansakang lumalabag sa karapatang pantao hanggang pagpapapaslang sa mga lider manggagawa gaya ng ginawa kay Ka Mel Roxas at Ka Fort. Fortuna. Instrumento din nito sa panunupil ang mga tuta at bayarang nasa ahensya ng gobyerno gaya ng PNP/Militar, DOLE, MTC-RTC, Korte Suprema hanggang sa Malacanang na luklukan ni Pangulong arroyo na pangunahing protektor ng berdugong Dayuhang kompanyang Nestle at punong promotor ng malaganap na pampulitkang panunupil gaya ng ginawang pagpatay kay ka Fort.

Ang pagsira sa kabuhayan ng pamilya ng manggagawa, paglabag sa karapatang pantao at pagpaslang sa mga lider manggagawa na isinasagawa ng Dayuhang Kompanyang Nestle ay pinangungunahan at dinesenyo ng mersenaryong abogado nito na si Atty. Jack “TIGER” Dela Rosa at ng Top Management ng Nestle Phils na si Marcelino Pineda kasabwat ang PNP-Militar gamit ang kanilang death squad.

Walang katulad sa pagkatuso at kasamaan ang Dayuhang Kompanyang Nestle! Pagkalabas ng desisyon, sa pangunguna ni TIGER ay umikot na ang makinarya ng berdugong kompanya gaya ng managers, superbisors, gwardiya, sagad-saring iskirol para magkalat ng dis-inpormasyon at kasinungalingag taliwas sa tunay na laman ng desisyon ng Korte Suprema. Kinakausap nila ang Sangguniang Barangay ng Niugan, Cabuyao at mga karatig na Barangay, ang Sangguniang Bayan ng Cabuyao upang linlangin at kuhanin ang serbisyo sa panlilinlang at pagpapasuko sa manggagawa ng Nestle. Suyod ng makinarya ng kompanya kung nasaan ang manggagawa ng Nestle at ang kapamilya nito. Layunin ng kompanya na silawin sa bitbit na halaga ang manggagawa, bilhin ang serbisyo, at bilhin maging ang hustisyang matagal ng hinahanap ng manggagawa. Isang napakatuso at napakaruming paraan ng Nestle Phils. sapagkat ginagawa ito ng kompanya upang takasang ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema na bumalik sa negosasyon sa CBA sa unyong UFE-DFA-KMU, pag-usapan ang retirement at sa huli ay pag-iwas na ibalik sa trabaho ang manggagawa.

KAMTIN ANG KATARUNGAN at ang TAGUMPAY SA PIKETLAYN!

Magpapatuloy ang pagkilos ng manggagawa ng Nestle at kapamilya nito sa paghahanap ng katarungan. Matagal tayong naghintay sa desisyong ito, Ngayon higit na kailangang magkaisa at kumilos hanggang makamit ang TAGUMPAY. SAMA-SAMA NATING IGIIT ANG PAGPAPATUPAD SA PINAKAHULING DESISYON NG KORTE SUPREMA. ILANTAD NATIN AT LABANAN ANG LAHAT NG GINAGAWANG MANIUBRA NG NESTLE PHILS. PARA UMIWAS SA KANYANG PANANAGUTAN SA MANGGAGAWA GAYA NG PAG-AALOK NG BAYAD O PAGBILI SA SERBISYO HUWAG LAMANG IGIIT ANG DESISYON. PALAGI NATING ALALAHANIN at gawing Inspirasyon sa patuloy na paninindigan hanggang sa pagkakamit ng tagumpay ang sariwang dugo ni Pangulong Fort na idinilig sa ating pakikibaka at ang kanyang buhay na inutang ng Berdugong Nestle ay gawing dagdag enerhiya sa pagtutuloy ng kanyang adhikain para sa manggagawa ng Nestle.

NAGPAPASALAT AT Patuloy kaming nananawagan sa lahat ng mamamayang nagtataguyod ng hustisya at kapayapaan. Patuloy nyo kaming suportahan sa aming pakikibaka. Ang pinakahuling desisyon ng Korte Suprema ay patunay lamang na wasto ang inyong ginagawang pagtataguyod sa pakikibaka ng manggagawa ng Nestle. Patuloy nating palawakin ang panawagang I-BOYKOT ANG LAHAT NG PRODUKTONG NESTLE HANGGANG HINDI NAKAKABALIK SA NORMAL NA TRABAHO ANG NAGWEWELGANG MANGGAGAWA.

IPATUPAD ANG DESISYON NG KORTE SUPREMA!

IBALIK SA TRABAHO ANG NAGWEWELGANG MANGGAGAWA!

KATARUNGAN PARA KAY PANGULONG DIOSDADO “ KA FORT” FORTUNA!
PAPANAGUTIN ANG BERDUGO NG NESTLE, SI ATTY JACK DE LA ROSA AT MARCELINO PINEDA!,

MABUHAY ANG MANGGAGAWA NG NESTLE !

MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!